20111102

LCDC 2011











matagal-tagal na rin simula nung huli akong nagpost dito sa Blog ko...

at sa aking pagbabalik...

narito ako ilan sa mga naranasan ko sa LCDC 2011..



"called to obey"

-foods..
maraming maraming gulay..esp ampalaya..
hindi ako napapakain sa bahay ng ampalay o kahit ibang gulay..
sa camp lang..

-tent
hindi nmn ako nanibago sa tent..
madalas din kasi kaming mag camp noon..
nababasa rin kami sa tent dati...

-weather
almost 2 days na sobrang init at masakit sa ulo..
almost 3 days din na sobrang lakas ng ulan..
'yung tipong sobrang putik ng tatapakan mo...
at medyo magandang panahon nung last day...

-sessions
napakarami kong natutunan sa mga session..
ang dami ring nagturo..
iba-iba...
esp sa boys talk...hihihihi..

-staffs
ang mga masisipag na staff at councilors..
grabe siguro ang test sa kanila dahil pasaway kami..
pero ang galing nila..
affirm..

-campers
pareparehas mga taga bikol...
pero ibaiba ng dialekto..
magkakaiba ng tono..
magkakaiba ng ugali..
magkakaiba ng aura..
pero iisa ang Diyos..
nakakamiss..
pero kitakits na lang..

anu kaya ang susunod..
bahala na si Lord..
basta ako... susunod..



20100311

A message to all of my firends...



Ito ang isa sa mga gusto kong kanta...Ito ay mensahe sa aking mga kaibigan na isa sa mga dahilan kung bakit ako nagpapatuloy at hindi bumibitaw sa mga pangako ng ating DIYOS..
Kahit anong mangyari, mahal kayo ng ating Panginoon...patawad kung madalas hindi nakikita sakin ang pagmamahal na 'yun...

20100309

NotesBooks--Ang pagbabalik


Muling nagbabalik ang NotesBooks sa pangunguna muli ng Pastora ng mga kabataan sa JDC na si teRai...

Ngunit hindi katulad ng nakasanayan na NotesBooks na may 4 lamang na miyembro..kasama na namin ngayon ang CCLY Music Ministry...(naextra lang ako,si teshie, at si terhiz...:D)
Ito ay 'yung discipleship ng MM...dito sinasanay ang bawat isa na magsalita at magbahagi ng Banal na Salita ng DIYOS...

Nung unang gabi (ika-2 ng marso taong kasalukuyan), ang aming kapatid na Allan D. ang nag bahagi tungkol sa "pagsisisi" (repentance)..G2G kasi alam ko na ang Banal na Spirito ang tumulong sa kanya para makatayo sa harapan at makapagsalita...
Kagabi ang aming pangalawang gabi (ika-9 ng marso taong kasalukuyan), ang nagbahagi naman tungkol sa "pagbabagong-buhay" (regeneration) ay ang aming kapatid na si Joshua P., sa kabuuan, naipaliwanag naman ng maayos ang paksa at marami sa mga bagay na amin nang narinig ang sumariwang muli..G2G!

PG, dahil hindi nagiging handlang ang kabataan ng bawat isa upang maglinkod at magbahagi ng salita ng Diyos...nawa patuloy ang pagunod ng bawat isa sa ating Panginoong Hesus...

Yan lng po muna sa ngayon..bow! :P

G2G- Glory to GOD
PG- Praise GOD

basta ako...linkod


FAITH

Faith...complete confidence in a person or plan etc..(nosebleed)
Kung sinasabi nating may "faith" tayo kay GOD...it should be a complete trust

20090514

Dahil matagal akong hindi nag-post...usapang eleksyon muna..


Marahil napapansin natin sa telebisyon ang mga paunang pahapyaw ng mga politiko na nagbabalak tumakbo sa pagkapresidente sa darating na eleksyon.

Marami ng eleksyon ang nagdaan sa ating bansa mula pa nung unang ihayag ang ating pagiging malaya sa pagkakaluklok ng kauna-unahang presidente ng Pilipinas na si...sino nga ba yun?..Basta sya..!Ngunit mula ng mabaon sa utang ang bansa sa panahon ng "DAKILANG" dating pangulo na si Marcos ay wala pa ring nagbabago. Meron pala, lalo daw naghihirap ang ating bansa. Nakakalungkot naman..'=(

Kaya hindi nakapagtataka kung ilan sa ating mga kababayan lalo na 'yung mga anakpawis ay nawawalan na ng tiwala sa sistema ng halalan sa ating bansa. Maraming agam-agam ang nabubuo sa kanilang mga isipan dahil sa walang humpay na panloloko ng ibang politiko na walang ginawa kundi magbulay-bulay kung papaano nila madadagdagan ang kayamanang hindi naman sa kanila.

Kabataan!!! Oras na para tayo naman ang magluklok ng magiging bagong pangulo ng ating bansang sawang-sawa na sa mga alibugha at mga buhong politiko. Ito na ang panahon ng pagbabago..(teka, hindi po ako tatakbo sa eleksyon..) Ito na ang panahon na hindi na dapat masayang ang mga indelible ink sa ating mga hintuturo sa pagboto..(tama ba ang aking pagkakabaybay ng indelible?)

Sa mahabang panahon ng pagsasawalang-bahala sa paghalal ng magiging pinuno, dapat ng gumising ng mga kabataang naghahangad ng maunlad na bansa, bansang walang paghahapis at hindi nakararanas ng hayap na buhay.

Kabataan!!! Hindi natin makakamit ang inaasam na pagbabago hanggat walang naglalakas loob na kumilos. Walang palay na nagiging bigas kung walang bumabayo nito. (OOoopss!nakuha ko lang yan sa tabi-tabi..)

Simulan sa sarili ang maayos na bansa. makialam, mag parehistro at bumoto.(di rin po ako bayaran ng ComElec.)

...ayan, pede na mangampanya..hehehe,.alam ko na pala 'yung unag pangulo ng bansa, si Emilio Aguinaldo


'yan pala ang bunga ng hang-over ko sa mahabang pila sa pagpaparehistro.


20090507

NotesBooks

NotesBooks...


Raisa Duran
Rizzalyn Manlapas
Dare Suelo Borilla
d=]x
sila ang mga myembro ng "NotesBooks" na nakuha ang pangalan dahil sa mga kwadernong ibinigay ni teRai,..at dahil mayamn kami sa letrang "S" ang notebook ay naging NotesBooks..

ito ay binubuo ng mga napaka-seryosong tao sa pangunguna ni teRai..
naganap ang aming unang pag-pupulong (o kung pagpupulong bang matatawag un?)sa bahay ng aming kapatid na si Dha..

dapat magsisimula kami ng ala una y media, ngunit sa kasamaang palad, na huli ang inyong lingkod at si (drumroll)........teRai,..

pero kahit ganoon ang nangyari sa aming unang pagpupulong, naging makabuluhan pa rin naman ang aming pgkikita-kita sapagkat nakaisip kami ng itatawag sa aming pangkat, at yun nga ang "NotesBooks".

kung gusto n'yong marami pang malaman tungkol mga makabuluhang bagay(?) na aming gagawin...bisitahin ny'yo lang ang BLOG namin. NotesBooks@gmail.com..


ung lang po...
Bow!

-Basta ako!

20090506

Pekeng Ngiti!


PAUNAWA: mag-handa ng panyo sa mga kakornihan na mababasa sa post na ito. Pag pasensyahan nyo na kung walang ibang maisulat yung may-ari nga BLOG na ito..


MyHotComments.com
Ngiti...(intro)

Isa sa pinaka madalas nating gawin ekspresyon...

Maraming klase ng ngiti: may ngiting aso o plastik, may ngiting bungisngis, ngiting pilit, ngiting totoo, at may ngiting kailangan lalo na sa harap ng kamera.(yan ay ayon hula ko.)

Ginagamit natin ito sa maraming bagay. Ako, madalas akong ngumiti para itago ang tunay kong nararamdaman(drama!). ngumingiti ako pag masaya, natutuwa, kahit galit, naiinis o naiirita. dapat nakangiti pa rin.(para sikat.):-)

kadalasan, malaki ang naitutulong ng pag ngiti, lalo na kung galit o naiinis. Wala lang! Isa ito sa mga nagiging paraan para di lumabas ung pagkainis ko o yung galit ko(di ba,paulit-ulit ung "ko")....Pansamantala! Pero pag kalipas ng pekeng ngiti, at sa oras na ako na lng mag-isa(nakuha ko toh kay willie), maramig bagay ang pumapasok sa isip ko. Tama ba ung ginagawa ko? Ayos lang ba ngumiti kahit di ka masaya?
tulong naman oh,,..para may jamming!
kahit ano..
-Basta ako!